May iba pa bang maasahan ang nakararanas ng karahasan sa ilalim ng batas?
Oo. Bilang dagdag sa mga karapatan nila sa ilalim ng ibang batas, iginagawad din ng RA 9262 (2004) ang mga sumusunod na karapatan sa mga nakararanas ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak:
1. Mabigyan ng paggalang at dignidad;
2. Makahingi ng tulong-ligal mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ng Department of Justice (DOJ) o mula sa alinmang opisina ng pampublikong tulong-ligal;
3. May karapatan sa serbisyong pansuporta mula sa DSWD at mga lokal na pamahalaan;
4. May karapatan sa lahat ng ligal na lunas at suporta ayon sa Family Code; at
5. Malaman ang kaniyang mga karapatan at mga serbisyong maaari niyang makuha, kasama na ang kaniyang karapatan na humiling ng utos ng pagkalinga.
May mga dahilan din kung kailan libre ang pag-file ng babae sa korte sa ilalim ng RA 9262, kasama na dito ang kahirapan.

Ano ang maaring hingin mula sa lokal na pamahalaan?
Sa ilalim ng RA 9262 (2004), dapat magbigay ang lokal na pamahalaan ng mga sumusunod:
1. Pansamantalang tirahan;
2. Pagpapayo at mga serbisyong psycho-social;
3. Programa tungo sa pagpapagaling at pagpapanibagong-buhay; at
4. Tulong pangkabuhayan
Dapat ding magbigay ng mga ganito ang Department of Social Work and Development (DSWD). Magbibigay naman ng medikal na tulong sa biktima ang Department of Health (DOH).