May batas ba ukol sa violence laban sa kababaihan at kanilang mga anak?
Oo, ang Republic Act No. 9262 (2004) o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay batas na pinasa para bigyang proteksiyon ang mga kababaihan at kanilang mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o karahasan.
Anong akto ang sinasangga ng batas?
Ang batas ay nagbibigay proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae na:
- kanyang asawa o dating asawa;
- mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o “dating relationship”; o
- ina ng kanyang anak.
- na ginawa sa loob o sa labas ng tahanan;
- na nagresulta o maaaring magresulta sa: pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala o paghihirap, pinansyal na pang-aabuso, pananakot na gawin ang mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkait ng kalayaan.
Magbigay ng halimbawa ng mga karahasang labag sa batas.
1. Pisikal na Karahasan: pananakit sa katawan o pisikal na pananakit.
2. Sekswal na Karahasan: mga aktong likas na sekswal; kabilang ngunit hindi takda sa mga sumusunod:
pananakot;
4. Pinansyal na Pang-aabuso: mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
2. Sekswal na Karahasan: mga aktong likas na sekswal; kabilang ngunit hindi takda sa mga sumusunod:
- panggagahasa;
- sexual harassment;
- kalaswaaan o acts of lasciviousness;
- pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object;
- paggamit ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa;
- pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;
- pamimilit sa kaniya na tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas;
- pamimilit sa biktima o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng malalaswang pelikula;
- pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado;
- pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at
- pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.
pananakot;
- panggugulo;
- pagmamanman o stalking;
- paninira ng ari-arian;
- pamamaliit sa publiko o pamamahiya;
- paulit-ulit na pang-aabusong sa pananalita;
- pangangaliwa;
- pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya;
- pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng pornograpiya;
- pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabuso sa alagang hayop; at
- hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng may-sala.
4. Pinansyal na Pang-aabuso: mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- pagbawi ng sustentong pinansyal;
- pagbabawal sa biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan);
- pagkait ng kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property owned in common;
- paninira ng mga kagamitan sa bahay; at
- pamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.